MANILA, Philippines – "This is the fight of our lives." This is how administration bet Manuel "Mar" Roxas III called his battle for the presidency, during his speech at the Liberal Party miting de avance on Saturday, May 7.
"This is the fight that defines us as a generation. This is the fight that brings us to a better future," he told the large crowd gathered at the Quezon Memorial Circle.
Here's the full text of Roxas' speech at his final campaign rally:
***
Maraming, maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. I love you, Quezon City!
Hanggang doon po sa likuran, kamusta po kayo? Ipakita natin kung gaano karami tayo, pasindihan po natin lahat ng ating mga cellphones! Lalo na doon sa likuran para makita kayo! May libreng charger dito.
Maraming-maraming-maraming salamat sa aking anak. Alam n’yo po, napagdaanan ko na po lahat ng naisip kong mahirap na gawain sa buhay. Nakaharap ko ang mga matataas na leader. Nakapag-negotiate ako sa international.
Nakapagdebate ako sa Senado. Lahat ito, akala ko nalagpasan ko na, o naranasan ko na ang pinakamahihirap. Pero hindi n’yo po alam kung gaano kahirap na nakaupo sa backstage habang pinapakilala kayo ng inyong anak.
Talagang nerbyos na nerbyos ako. Maraming maraming salamat sa aking anak. Thank you very much kay Paolo Roxas. Thank you.
Mr. President, salubungin po natin ng masigabong palakpakan ang tao na naghatid sa atin sa kaginhawahan na kinalalagyan natin ngayon, Benigno 'Noynoy' Aquino III.
Big Man of the Senate, Mr. Senate President Frank Drilon.
Ang susunod na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Leni Robredo
Ang Speaker ng Kamara de Representante, Sonny “SB” Belmonte.
Kay Mayor Bistek Bautista, Palakpakan po natin.
Vice Mayor Joy Belmonte.
Sa ating mga kongresista na nandito, palakpakan po natin silang lahat.
Sa ating mga kandidato sa pagkasenado, sa ating mga iba pang mga mayors, local government officials,
Sa inyong lahat po:
Magandang-magandang gabi at maraming-maraming salamat sa napakainit na pagsalubong po ninyo sa Daang Matuwid ngayong gabi.
Heto na po tayo, panghuling talumpati, sa panghuling rally, sa panghuling araw ng kampanyang ito. Mga kasama ko sa gabinete, palakpakan po natin.
Nasabi na ang lahat. Thank you, thank you, love you, love you. Love you. Robredo, Roxas Robredo!
Nasabi na ang lahat, nadinig na ninyo ang lahat, nakita na ninyo at nabasa na ninyo ang lahat. Nandito tayo ngayon, at unang-una, nais ko pong magpasalamat sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat sa inyong presensiya dito. At nais ko rin pong magpasalamat sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas, lahat po ng sumalubong sa amin ni Leni, nakipagkamay, yumakap, sumuporta, kumupkop sa amin nitong mga nakaraang buwan na ito.
Hindi naging madali ang aming laban pero nandoon sila sa init ng araw, maagang maaga, gabing-gabi, sa lahat po ng mga gawain, ang lahat po na nananalig sa Daang Matuwid, lahat po ng nagtitiwala sa malinis, sa tapat na pamamahala, nandoon po sila, nandito po kayo. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.
Ang totoo po ay talagang nakakataba ng puso, nakakapalakas ng tuhod, at damang-dama po namin sa init ng inyong pagsalubong sa amin ang sinseridad ninyo na ipaglaban, ipagpatuloy ang Daang Matuwid na kinalalagyan natin ngayon.
Pero hindi po ito tungkol kay Mar Roxas, Leni Robredo, o kahit pa kay Pangulong P-Noy. Hindi po ito tungkol sa kahit sinong pulitiko na nandito.
Tungkol po ito sa pangarap ng 100 milyong Pilipino na mamuhay: Mamuhay na may dangal, na may pag asa, at may katiyakan. ‘Yan ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon.
Kabahagi po tayo. We belong to a long line of patriots, mga nagmamahal sa ating bansa. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating mga ninuno, ‘yung mga nauna sa atin, tulad natin ngayon dito, may nakitang banta sa kanilang seguridad. May nakitang hamon. Kahit ano pa, tumayo sila, nanindigan sila, nilabanan nila.
Magmula noong kapanahunan ng mga mananakop – mga Kastila, Amerikano, Hapon – hanggang sa panahon ng diktadura, madugong yugto yun sa ating kasaysayan. Noong nakaraang 2004, 2005, hanggang 2010, ipinaglaban natin ‘yung katiwalian. Kinontra natin ‘yung pagsisinungaling, yung pagnanakaw ng ating kaban ng bayan. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, mga Pilipino, ordinaryong Pilipino, mga mamamayan ng ating Inang Bayan, tumayo, nanindigan, at ipinaglaban ang ating bukas.
At ngayon, nandito tayo. Pinaglalaban natin ang ating bukas. Pinaglalaban natin ang pagpapatuloy ng kinalalagyan natin ngayon. ‘Wag nating kalimutan na malayo na ang narating natin.
Kahit ano pa ang sabihin ng kahit sinong kritiko, hindi nila matatanggi, hindi nila made-deny na ang Pilipinas, malayo na ang narating. At kung dati, “Sick Man of Asia,” para tayong lumpo, para tayong may sakit; ngayon ang tawag sa atin ay “Asia's Bright Star.” ‘Yan ang kinalalagyan natin ngayon.
Ang ating mga katunggali, gusto nila na makalimutan natin ‘yung ating mga napagtagumpayan na. Gusto nilang makalimutan natin kung sino tayo bilang mga Pilipino. Gusto nila na mag-U-turn tayo, bumalik tayo sa zero.
Susunugin nila, sisirain nila lahat ng mga pinaghirapan natin nitong nakaraang anim na taon na ito.
Pero hindi tayo papayag. Nandito tayo para labanan sila!
Pero alam n’yo, itong nakaraang anim na taon, pundasyon pa lang ito. Kung magpatuloy po tayo – 6 na taon pa ng tapat, ng malinis, ng maayos na pamamahala. Mas malayo pa ang mararating natin, at totoo, the best is yet to come.
Salamat. Laking tuwa po natin na ang Silent Majority, hindi na silent!
Maraming-maraming salamat sa inyong kabayanihan. Maraming-maraming salamat sa inyong paninindigan. Kasama ninyo ang milyon milyong kababayan natin na nangangamba sa nakikita nila. Natatakot sa nakikita nilang alternatibo daw sa ating pamumuno. Pero nakikita natin, kabastusan, kawalang-takot sa Diyos, walang plano, pang-iinsulto, puro soundbite lang, komunismo, marahas na kamay, wala na ang rule of law.
Kaya nandito tayo, sinasariwa natin ang ating paninindigan na hindi iyon ang dapat para sa ating bansa kundi ang tapat, ang malinis, at matuwid na pamamahala. Iyan ang Daang Matuwid.
Maraming, maraming, maraming salamat.
Nais kong malaman ninyo, napakatamis pakinggan ‘yung pangalan mo na isinisigaw ng mga kababayan mo. Subalit, subalit, matingkad sa kaisipan ko. Malinaw na malinaw para sa akin: Hindi po ito para sa akin.
Ito po ay sinisigaw ninyo dahil instrumento po ninyo ako, si Leni, lahat po kami para maisakatuparan ang inyong pangarap para sa inyong pamilya.
And that is what this election is all about. ‘Yung mga nagnanais na bumalik tayo sa dating kabaluktutan, kasinungalingan, pagnanakaw sa ating kaban ng bayan, paghahari-hari ng iilan lamang. Kontra doon sa nais natin, sa pinaglalaban natin: isang bansa na malaya sa gutom, punong-puno po ng pagkakataon, milyon-milyong trabaho ang nalikha. Isang bansa na malaya sa takot. Kung magkasakit ka, kung may mangyari sa ‘yo, alam mo, maaasahan mo, tiyak ka na ang pamahalaan mo ang siyang resbak mo. Isang bansang maunlad, na punong-puno ng pagkakataon at punong-puno ng pag-asa dahil alam mo na hindi maipapamana sa ating mga anak ang kahirapan na dinadanas natin ngayon. Pataas, paunlad, paganda ang ating bukas sa Daang Matuwid.
Hindi naging madali. Hindi naging madali itong kampanyang ito. Lahat ng mga pang-iinsulto, paninira, kabaluktutan ay hinagis laban sa atin. Akala nila, masisira nila ang ating tiwala sa isa't isa. Pero nakikita natin, nandito pa rin tayo! Nakadilaw pa rin tayo! Malakas pa rin tayo! At lalong lumalakas tayo. Mananalo tayo!
Mga minamahal na kababayan: mga Pilipino tayo. Dakila ang ating lahi. Mababait tayo. May takot tayo sa Diyos. May malasakit tayo sa kapwa. May respeto tayo sa isa't isa. Tinuturo natin sa ating mga anak, “Anak, gawin mo ang tama sa abot ng iyong makakaya. Tulungan mo ang mga nangangailangan ng tulong. Gawin mo ang lahat para maiwan mo sa mas maayos na kalagayan ang bayan mo kaysa nadatnan mo. At higit sa lahat, huwag na huwag kang susuko.”
At hindi tayo susuko! Dahil itong laban na ito ay dapat lang na ipaglaban.
This is the good fight. This is the fight of our lives. This is the fight that defines us as a generation. This is the fight that brings us to a better future. Kaya alam ko po, lahat tayo dito, kasama ng ating mga kababayan sa buong Pilipinas, ipaglalaban natin ang ating magandang bukas.
Bago po ako magtapos, nais ko pong magpasalamat muli sa inyong lahat. Pinakamalaking karangalan ko na bitbitin ang ating bandila, ang ating ipinaglalaban na ipinagkaloob po ninyo sa akin nitong mga araw na ito.
Pakiwari ko, kumbinsido na kayo ah. Kumbinsido na ba kayo?
Frank Drilon sa Senado, pwede?
TG Guingona sa Senado, pwede?
Risa Hontiveros, pwede?
Leila de Lima, pwede?
Ina Ambolodto, pwede?
Mark Lapid, pwede?
Nandito rin po, Kiko Pangilinan, pwede?
TESDAman Joel Villanueva, pwede?
Bistek, sa susunod na pang-senador, pwede?
Icot Petilla, pwede?
Leni Robredo, pwede?
Mga kababayan, sa Lunes, ika-9 ng Mayo--Ralph Recto, pwede?
Ping Lacson, pwede?
Cris Paez, pwede?
May nakalimutan ba ako?
Baka makalimutan n’yo si Mar Roxas ah. Mar Roxas, pwede?
Sa ika-siyam ng Mayo, samahan n’yo kami ni Leni. Samahan ninyo ang Daang Matuwid. Ipanalo na natin ito para sa bayan, para sa bukas, para sa Inang Pilipinas!
Maraming Salamat! Magandang gabi po sa inyong lahat! Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal. – Rappler.com
Presidential candidates' speeches on the final day of campaigning: