Quantcast
Channel: Rappler: News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 47792

Santiago, Marcos launch senatorial slate, youth movement

$
0
0

Senator Miriam Defensor Santiago and Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr introduce their senatorial slate before hundreds of supporters. The slate is composed of independent candidates and bets from other political parties. A youth volunteer arm was also launched to support Santiago's presidential candidacy.

Patty Pasion files this report.

Sa unang pagkakataon, ipinakilala nina Senador Miriam Defensor Santiago at Senador Bongbong Marcos ang kanilang senatorial slate dito sa Ynares Sports Complex sa Pasig City.

(For the first time Senators Miriam Defensor-Santiago and Bongbong Marcos introduced their senatorial slate at the Ynares Sports Complex in Pasig City.)

Binubuo ito sampung kandidato na karamihan ay galing din sa ibang partido. 

(It is composed of 10 candidates, mostly from contending parties.)

Dinaluhan nina Isko Moreno, Susan Ople, Martin Romualdez, Dionisio Santiago at Francis Tolentino ang proklamasyon. 
 
(Isko Moreno, Susan Ople, Martin Romualdez, and Dionisio Santiago attended the proclamation.)
 
Bahagi din ng kanilang ticket sina Ralph Recto, Manny Pacquiao, Joey Villanueva, Edu Manzano at Jericho Petilla.  

(Ralph Recto, Manny Pacquiao, Joey Villanueva, Edu Manzano, and Jericho Petilla are also running under their ticket)

Inilunsad  din ngayong araw ang "Youth for Miriam" volunteer group na binubuo ng mahigit sa limang libong kabataan mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. 

(The "Youth for Miriam" volunteer group was also launched today. The group is composed of at least 5,000 young people from various parts of the country.)

Naniniwala ang mga batang volunteers na si Santiago ang dapat mahalal bilang pangulo dahil malinaw ang kanyang nagawa para sa bansa.

(These young volunteers believe Santiago should be elected as president because the things she did for the country are very clear.)

Sinabi rin nilang susuportahan nila si Marcos bilang bise-presidente.

(They also said they will be supporting Marcos as vice president.)

May ilan din namang duda kay Marcos.

(There are some who doubt Marcos.)

Umaasa sina Santiago at Marcos na magiging kasing marubdob ang suporta  ng mga botante sa kanilang dalawa sa darating na halalan tulad ngayong araw ng mga puso.

(Santiago and Marcos hope these volunteers' support on Valentine's Day would extend throughout the election period.)

PATTY PASION, REPORTING: Una nang sinabi ni Santiago na nakatutok ang kanyang kampanya sa kabataan na bumubuo sa mahigit isang katlo ng kabuuang botante sa bansa ngayong 2016. Maging susi kaya ang Youth for Miriam movement para makuha nang buo ni Santiago ang tinatawag na "youth vote?"

(Santiago earlier said that she will focus her campaign on the youth. Based on Comelec data more than 4 out of 10 voters belong to the youth sector. Would the "Youth for Miriam" movement make Santiago win the so-called "youth vote?" )

 Patty Pasion, Rappler, Pasig City. – Rappler.com

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 47792

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>