Quantcast
Channel: Rappler: News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 47792

FULL TEXT: Grace Poe: Ipaglalaban ko ang mga may hugot

$
0
0

'GOBYERNONG MAY PUSO.' Senator Grace Poe promises to a presidency that will address the everyday concerns of ordinary Filipinos during her proclamation rally at Plaza Miranda in Manila on February 9, 2016. Photo by Alecs Ongcal/Rappler

MANILA, Philippines – Independent presidential candidate Grace Poe opened the official campaign period with a rally Tuesday afternoon, February 9, in Plaza Miranda, Manila.

It was the same venue in 2004, when her father Fernando Poe Jr was himself running for president, his supporters rallied at the same venue at the height of attempts to disqualify him.

In her speech – delivered in flawless Filipino – Poe borrowed a line from one of her father's blockbuster movies: "puno na ang salop," a Tagalog figure of speech for having had enough.

"Puno na ang salop ng kahirapan, puno na ang salop ng katiwalian. Dapat na itong kalusin," she said.

In her speech, Poe also went back to her "dramatic" life story as a foundling and how this is being used against her now. She stressed that, like many voters who experience hurt and discrimination, she had her own "hugot" – a popular expression among young people that means deep sentiment.

Below is the full text of her speech, followed by the English translation

 

Sa aking nanay at pamilya,

  • Kay VP Chiz at ang aming labing-dalawang mga senador,
  • Sa aking mga kaibigan at kapanalig at kakampi sa aming layunin,
  • Sa minamahal kong mga kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao 

 

Magandang gabi po sa inyong lahat!

May nakapagsabi na dahil daw ako ay napulot lamang, ako daw ay hindi tunay na Pilipino...

Na dahil daw ako ay babae ay wala akong lakas at tapang para lumaban...

Na dahil daw ako ay bago at walang karanasan ay wala na akong kakayahan…

May nagsabi na sobra raw madrama ang buhay ko...

Marahil nga ay madrama ang buhay ko dahil, tulad ng karamihan sa ating mga kababayan, may pinagdaanan akong hirap at pait, pero bumangon at lumaban sa kabila ng mga unos at bagyo ng buhay at tadhana.

Drama nga siguro ang tawag nila dito subalit realidad at tunay na buhay ko ito... katotohanan ito na araw-araw pinagdadaanan ng marami sa ating mga kababayan.

Sa kabila ng lahat ng ito, ako ay nakatayo sa harap ninyo ngayon bilang isang Pilipino, bilang isang babae na nakikipaglaban sa mga mapang-abuso para sa ating bansa at mga kababayan na siiyang nagbibigay sa akin ng lakas upang kayo ay pagsilbihan ng malinis at wasto...

Mula sa aking pagkabata, minulat sa akin ng mga kinagisnan kong magulang na sina FPJ at aking ina ang mga katangian na taglay ko ngayon:

  • Malinis
  • Masipag at magbanat ng buto
  • May magandang asal
  • Tapat at di mapagsamantala, matapang pero di mayabang
  • Matulungin, lalo na sa mga inaapi at mga bata

Gamit ang mga prinsipyo at katangiang ito, ako po ay tumatakbong Pangulo ng bansa upang tumayo at ipaglaban lahat kayo na madrama ang buhay... na may hugot at pinagdadaanan:

  • kayong pinanganak ng dukha at salat sa yaman,
  • kayong may kapansanan o karamdaman
  • kayong nagbabanat ng buto pero di sapat ang kinikita
  • kayong mga bata na, tulad ko, ay walang kinagisnang nanay kayong mga biktima ng krimen
  • kayong mga biktima ng krimen at diskriminasyon
  • kayong mga may mahal sa buhay na kinailangan mangimbangbansa tiisin ang init ng disyerto at lamig
  • kayong mga ginipit ng mga mapangabuso sa gobyerno

Nandito ako para sa inyo.

Nandito ako dahil parepareho tayong may pinaghuhugutan.

At pare pareho tayong hindi sumusuko at patuloy na na ngangarap at nag sisikap na mapabuti ang buhay ng ating pamilya ng ating bayan.

Mga kababayan:

Nagsimula po ang kuwento ng aking buhay sa isang simbahan. Kaya minarapat ko rin na sa tapat ng simbahan ilunsad ang susunod na kabanata ng aking buhay. Sabi nga ng aking ina: ano man ang gagawin ko ay tapatan ko ng dasal at pawis

Kaya dito sa makakasaysayang lugar na ito – sa harap ng bayan, sa mata ng Diyos at Poong Nazareno– iaalay o ang panatang ito: ako po si Grace Poe – ina, anak, Pilipino – buong puso at tapang na ipagtatanggol:

  • Ang  programa ng gobyernong may puso na ating itatayo
  • Ang plano ko para sa pamilyang Pilipino
  • Ang mithiin ko para sa ating bansa at sa ating mga anak

At doon sa mga taong pilit dinudungisan ang aking pagkatao, handa ko rin ipagtanggol ang aking pagka-Pilipino, ngayon at dito.

Mga kababayan: parating na ang Gobyernong may Puso na magpapalakas sa ekonomiya para makapagbigay ng trabaho sa lahat.

Sa mga Pilipinong ginagapang ang edukasyon ng kanilang anak, parating na ang Gobyernong may Puso na sisiguraduhin na sagana sa libro, classrooms, teachers, scholarships, kagamitan ang lahat ng paaralaan mula kinder hanggang kolehiyo.

Sa mga Pilipinong nagdarasal tuwing umaalis ng bahay na sana huwag sila maholdap o manakawan, parating na ang Gobyernong may Puso na dudurugin ang krimen, paparusahan ang may sala, ikakalat ang maraming pulis na matitino, upang ligtas tayo, saan man at kailan man.

Sa mga Pilipinong napawi na ang mga luha sa pamamalimos ng tulong para sa mahal sa buhay na may sakit, parating na ang Gobyernong may Puso na magmomodernisa sa mga ospital, na may sapat na doktor, gamot, at gamit.

Sa mga Pilipinong ilang kahig pero walang matuka, na tanging dalangin ay may laman ang kaldero, may kanin sa hapag, parating na ang Gobyernong may Puso na maglalagay ng abot-kayang pagkain sa inyong mesa, kasama na ang para sa mga bata sa eskwela.

Sa mga Pilipinong matagal ng pasan ang mabigat na krus na mataas na buwis, parating na ang Gobyernong may Puso pagagaanin ang inyong paghihirap at susuklian pa ito ng maganda at tapat na serbisyo, sa ilalim ng isang gobyerong bawal ang tong, opisinang hindi nangongotong, at mga proyektong walang patong.

Sa mga Pilipinong tinitiis ang kalbaryo ng trapik, hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas, ang haba ng pila sa MRT na parating tumitirik, parating na ang Gobyernong may Puso na hindi pabaya, na ang tugon sa problema ng imprastraktura ay solusyon at hindi sisi.

Sa mga Pilipinong nasa kanayunan na luha na lang ang ipinandilig sa lupa dahit walang tubig, parating na ang Gobyernong may Puso na magbibigay sa inyo ng irigasyon, wawakasan ang tagtuyot sa suporta na gobyerno, na aayusin ang kalsada, at magaayuda ng pataba at kagamitan.

Sa mga Pilipinong kumakatok sa langit upang humingi ng katarungan sapagkat sarado ang pintuan ng hustisya dito, parating na ang Gobyernong may Puso na pantay ipapatupad ang batas, ipapakulong ang abusado mga opisyal man, ipagtatanggol ang inaapi, at ipaglalaban ang mga OFW saan man sila sa mundo.

Sa mga Pilipinong ang pananaw, relihiyon o estado sa buhay ay nasa minorya, silang mga biktima ng diskriminasyon, mga lumad at katutubo, mga LGBT, parating na ang Gobyernong may Puso na buong igagalang ang inyong mga karapatan.

Sa mga Pilipinong tila inaasa na lamang sa pagtaya sa lotto ang pagkakaroon ng sariling bahay, parating na ang Gobyernong may Puso na maglulunsad ng isang programang pabahay para sa lahat.

Sa mga Pilipinong sawa na sa bagal ng serbisyo sa pamahalaan, pagod na sa mahabang pila, pikon na sa tagal ng plaka at lisensya, o galit na sa bagal ng dating ng tulong kung may bagyo o sakuna, parating na ang Gobyernong may Puso na mabilis, maagap, at may malasakit; isang gobyernong bawal ang tamad at bawal ang makupad at magnanakaw.

Sabi nga ng aking ama: huwag mong sabihin marami kang salapi. Huwag mo rin sabihin na marami kang tauhan. Pare pareho lang tayo.

Dapat ang lahat ay maabot ang kanilang pangarap. Na ang bawat bata ay pwedeng mangarap maging teacher, maging artista, maging pulis, matagumpay na magsasaka, doktor, Supreme Court Justice, at maging pangulo man ng bansa, babae ka man, pulot, o dukha. Dapat pantay-pantay.

Puno na ang salop ng kahirapan, puno na ang salop ng katiwalian. Dapat na itong kalusin.

Ipaglaban natin na ang bawat isa ay may pagkain, may hanapbuhay, at may edukasyon.

Nakataga sa bato at nakaukit sa aking puso.

Hindi ko bibiguin ang tiwala ninyo at ng aking mga magulang

Ako po si Grace Poe, at sa gobyernong may puso, kayo na ang aking pamilya. 

* * * 

English translation

To my mother and family,

  • VP Chiz and our 12 senators,
  • Friends, supporters and allies in pursuing our goals for the country,
  • My dear fellow Filipinos…

 A good evening to all of you!

Some have argued that, because I am a foundling, I can never be a true Filipino… That because I am a woman, I can never fight a man’s fight or do a man’s job… That because I lack experience, I also do not have competence…. There are even those who say that may life is just too full of drama…

Maybe my life is replete with drama because, like the majority of Filipinos, there are difficulties that I have to struggle with, I have been oppressed and belittled, but I rise to fight again after each battle, after the passing of each storm of my life and fate.

They may well call it drama, but this is my real life….  It is the reality that many Filipinos live every day.

Despite all these, I stand before you today as a Filipino, a woman who knows how to fight bullies and oppressors, a leader with a heart that loves our country and people.  It is from the people that I draw strength so I may serve them truly and effectively...

From childhood, my parents - FPJ and my mother – have molded the qualities and values that I possess today

  • Integrity
  • Diligence and hard work
  • Courtesy, kindness and consideration for others
  • Truthfulness and to not take advantage
  • To be helpful, especially to children and the disadvantaged

Armed with these qualities and values, I am running for the presidency of our country, so that I may stand and fight with all of you whose lives are full of drama… whose daily pain and struggles are drawn from long experience…

  • You who were born poor
  • You who suffer from disabilities and poor health
  • You who toil hard for wages that cannot cover your needs
  • You, children who never knew their mothers
  • You who have been victims of crime
  • You, whose loved ones have had to find work overseas, suffering the intense cold or the desert heat
  • You who have suffered in the hands of abusive people in government

I am here for you.

I am here because we all draw from the same pain.

And because, despite this, we have not given up, and will continue to dream and strive for a better life for our families.

My fellow Filipinos:

The story of my life started inside a church. It is fitting that I should launch the next chapter in front of a church.

As my father has told me:  In whatever you do in your life, always fill your efforts with prayers.

Therefore, in this historic spot – before the people, before God – I offer this pledge:  I am Grace Poe, mother, daughter, Filipino.  With all my heart and strength, I will uphold and defend:

  • Programs of a compassionate government
  • Our aspirations for the Filipino family
  • Our hopes for the country and our children

And to those who have gone to great lengths to tarnish my good name, I am ready to defend my Filipino identity, here and now.

My fellow Filipinos, whose knees have been worn thin and bruised praying for a decent life, your Gobyernong may Puso will strengthen our economy to create jobs for all.

My fellow Filipinos, whose backs have been bent just to give your children an education, your Gobyernong may Puso will ensure that our schools, from kinder to college, will have books, classrooms, teachers, scholarships, and facilities.

My fellow Filipinos, who say a fervent prayer everytime you leave your home to be spared from thieves, your Gobyernong may Puso will crush crime and ensure that the police will be there to protect you and keep you safe, anytime and anywhere.

My fellow Filipinos, whose tears have dried up begging for help for your sick and infirm, your Gobyernong may Puso will modernize our hospitals, and ensure adequate doctors, medicine and medical equipment.

My fellow Filipinos, who toil endlessly for a measly income, whose only prayer is the small comfort of having food on the table, your Gobyernong may Puso will fill our cooking pots at home, and in schools for our children.

My fellow Filipinos, who carry the almost unbearable burden of high taxes, your Gobyernong may Puso will ease our load and repay you with effective service, under a government that doesn’t accept bribes or pad project costs.

My fellow Filipinos, who daily endure the city traffic, the long lines to the MRT, and unreliable public transportation, yourGobyernong may Puso will provide real solutions to our infrastructure problems, instead of laying blame.

My fellow Filipinos in the countryside, whose tears water our farms because of the lack of irrigation and support, yourGobyernong may Puso will end the drought in government assistance - ensuring irrigation and roads, and deliver fertilizers and farm implements.

My fellow Filipinos, who knock on the doors of heaven asking for justice, your Gobyernong may Puso will guarantee equal enforcement of the law, prosecute the corrupt, defend the oppressed and vulnerable, and fight for the rights of OFWs wherever you may be.

My fellow Filipinos, whose faith, sector, life status or views are among the minority, who are discriminated against, the Lumads, the LGBT, your Gobyernong may Puso will will respect, protect and defend your rights.

My fellow Filipinos, whose only hope to own a home is in a winning Lotto combination, your Gobyernong may Puso will launch a broad housing program for all.

My fellow Filipinos, who have resigned themselves to slow or absent government services, who are tired of waiting in long lines, who are frustrated waiting for their vehicular plates or driver’s licenses, who are angry at the slow pace of relief and assistance after a disaster, your Gobyernong may Puso will be prompt, efficient and compassionate. 

As may father said: Don’t brag about having many people beneath you. Don’t brag about wealth. We are all the same.

Each of us should be able to realize our dreams.  Every child should be able to dream of becoming a teacher, a policeman, a prosperous farmer, a lawyer, even a president of our country.

Puno na ang salop.  Our tolerance for poverty, our tolerance for corruption, is at its end.  Dapat na itong kalusin.  We will beat it out of our system together.

We will fight for each one’s right to food, jobs, education and protection. 

This is our promise. This is my heart’s mission.

I will never betray your trust; I will never turn my back on what my parents taught me.

I am Grace Poe, and in our Gobyernong may Puso, you are my family.

Rappler.com 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 47792

Trending Articles